News Update :

Mega Star, lilisanin na ang Star Network!

Written By Scarlet on Thursday, November 10, 2011 | 1:54 AM

Sharon Cuneta
Maugong ang usapan hinggil sa paglipat di umano ng nag-iisang Mega Star, Sharon Cuneta sa Kapatid Network o mas kilalang TV5. At ito'y hindi dineny o kinumperma ni Mega tungkol sa kanyang paglipat. Tila nagkaroon ng linaw ang lahat ng ito dahil ginanap ang last taping day ng kanyang program na Sharon At Home sa LifeStyle Network (isang cable channel na pag-aari ng ABS-CBN) noong Nov.5 sa Ayala, Alabang. Sa December 17 eere ang naturang last episode ng programa. Close mums pa rin ang lola nyo sa issue.

Sa January 2012 na matatapos ang kontrata ni Mega sa ABS-CBN. Sa kasalukuyan ay walang existing programs si Sharon sa Kapamilya Network. Noong Oct. 8 ay nagwakas na ang Biggest Loser Pinoy Edition sa ABS-CBN, a franchised reality show hosted by herself and Derek Ramsey. At sa ngayon ay wala pa ring syang nakaline-up na projects sa current home Network nya. Ang successful Star Power naman ay napipintong magkakaroon ng 2nd Season, ngunit nagkansela na ng audition schedules, ayon sa aking Source.

Nagsimula ang Career-move n Ate Shawie dahil sa bagong Co-manager nya na si Vic del Rosario o mas kilala sa pangalang "Boss Vic" ng VIVA Entertainment Inc. Si Boss Vic ay malapit sa may-ari ng TV5 na si MVP.

-Oh well Tita, Good luck na lang syo. At sana'y hindi ka magkakamali sa disisyon mo!
At eto namang si Vic, baka isang araw gigising na lang na wala na syang mga Talents. Hala!
Share this article :

0 comments:

Post a Comment

 
Support : Twitter | Facebook | Google +
Copyright © 2011. Sobrang Juicy - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger